Presidential Inauguration ng America


Magandang araw po sa inyung lahat ako po si Effe Barker at welcome dito sa UGNAYAN!

Ang programang maghahatid sa inyu ng mga nakakatuwa, nakaka aliw, at mga kawili-wiling kwentong pampulitika, ekonomiya, at general knowledge na maaring hindi nyo pa narinig.

Layunin ng programang ito na magbigay kasiyahan sa mga ating mga followers upang mas lalo pa nating maintindihan ang ating pangalawang bansa – ang America.

Umpisahan natin ang kwento tungkol sa presidential inauguration ng America. Sa mahigit dalawang daang taonnasaksihan ng mga Americano ang seremonya ng inagurasyon sa presidente at bise presidente ng Estados Unidos. Mula sa unang inagurasyon ni George Washington sa New York noon 1789 hanggang sa kasalukuyan.

Believe it or not, umabut ng halos dalawang oras ang talumpati ng ika siyam na president ng America na si William Henry Harrison. Siya ay namatay isang buwan matapos siyang manumpa dahil sa pneumona na pinananiniwalaang dulot ng kanyang pagbibilad sa napakalamig at maulan sa noong siya ay nanumpa.

Sa kabilang kwento naman ang pinaka maigsing talumpati na umabut lamang sa 135 words ay ang talumpati ng unang president na si George Washington.

Eto naman, tiyak mamamangha kayong malaman na ang ika 30th na presidente na si Calvin Coolidge ang nanumpa sa sala ng kanyang bahay sa harap mismo ng kanyang ama na isang notary public. Ito ay sinagawa sa alas dos ng madaling araw matapos malamang namatay ang presidente na si Warren Haring.

Muling nanumpa si Coolidge kinaumagahan kay justice Adolf Hoehling ng Supreme Court upang pigilan ang anumang mga tanong tungkol sa kapangyarihan ng notary public na nangasiwa ng presidential oath.

At si President Barack Obama naman ay dalawang beses na nanumpa noong 2009 dahil sa mga mali maling pagkakasunod ng mga salita sa panunumpa. At upang matuldukan ang anumang kwestion ay nag sagawa ng pangalawang panunumpa si Obama.


email-iconfacebook-icontwitter-iconyoutube-icon


www.la18.tv/ugnayan
la18_728x90_banner_eng-kor -- 3